1 teenager patay, 3 sugatansa shooting incident sa California

by Radyo La Verdad | June 16, 2016 (Thursday) | 1146

CALIFORNIA
Isang teenager ang nasawi habang tatlo ang sugatan sa nangyaring shooting incident sa Oakland, California kahapon.

Nangyari ang pamamaril malapit sa lugar kung saan nagsasagawa ng vigil ang mga kaibigan at kaanak ng dalawang teenager na namatay sa isang swimming accident sa Salinas, California.

Ayon isang saksi, nagkabarilan ang dalawang lalake matapos magkainitan habang naglalaro ng dice.

Sa ngayon ay nagpapatuloyang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

(UNTV NEWS)

Tags: , ,