Wala na sa hotel ang isang Koreanong galing sa Daegu City nang puntahan into ng mga tauhan ng Department Of Health (DOH) Region -7.
Kasama ito ng 26 na Korean nationals na dumating sa bansa noong February 25, 1 araw bago ibaba ang travel ban sa North Geyongsang South Korea.
“We just like to be very very sure na makita natin itong 26 na ito have them quarantined and of they whoe signs and symptoms we test them because they are coming from a place which is of high risk for all of us. And we know that they came from Daegu in South Korea” ani DOH Public Health Services Team, Asec Maria Rosario Vergeire .
Ayon sa DOH Region-7 17 sa mga korean national ang nakabalik na sa South Korea. Isa ang nasa Angeles, Pampanga at ang 7 ay nasa hotel pa sa Cebu.
“All of them did not develop any symptoms therefore we could safely assume that they are all healthy as of today but nevertheless all those that are within the region, 8 of them will continuously be monitored and continuously be on a quarantine until the 14th day.” ani DOH-7 Regional Director, Dr. Jaime Bernadas.” ani DOH-7 Regional Director, Dr. Jaime Bernadas.
Nilinaw naman ng DOH na ang contact tracing ay ginagawa lamang para sa mga nakasalamuha ng isang indibidwal na positibo sa COVID-19
Nguni’t ang mga Korean National na galing sa Daegu South Korea ay ikonokonsidera lang na Persons Under Monitoring (PUM)
“Kapag ikaw ay nag- test na all of these 26 south koreans when they came here did not have signs and symptoms but they have a history of travel coming from daegu so we consider them person under monitoring..” ani DOH Asec Maria Rosario Vergeire .
Samantala 10 sa labing 14 na repatriates mula sa japan na nagpakita ng sintomas ang negatibo na sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 . 8 naman sa mga ito ang nakabalik na sa quarantine facility sa Capas, Tarlac Kahapon (March 02) dahil wala na rin silang sintomas
Habang ang 2 ay mananatili sa health facility hanggang sa mawalan na rin ng sintomas.
Hinihintay pa ang resulta ng 4 na repatriate upang malaman kung sila ba ay positibo o negatibo sa COVID-19
Bahagi ng protocol ng DOH na maari lamang makabalik sa NCC ang isang repatriate kahit negatibo na ito kapag hindi na ito nakakaranas ng kahit na anong sintomas
“Kapag ikaw ay nag- test na ng negative tapos asymptomatic ka na ibig sabihin iyong kadahilanan na dinala ka sa ating referral facility ay nawala na iyong symptoms mo. Sa ngayon, meron na tayong walo na asymptomatic out of those 10 na negative at sila ay set to be brought back to our new Clark City within the day” ani DOH Public Health Services Team, Asec Maria Rosario Vergeire .
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: DOH, South Korea