1 patay sa panibagong kaso ng Ebola sa Liberia

by Radyo La Verdad | November 25, 2015 (Wednesday) | 1584
Ebola virus particles in a microscopic image(TIME)
Ebola virus particles in a microscopic image(TIME)

Tatlong bagong kaso ng Ebola virus ang naitala sa Liberia, Africa, dalawang buwan matapos na maideklara ng World Health Organization na Ebola free ang bansa

Isang labing limang taong gulang na batang lalake ang nasawi dahil as Ebola noong Lunes.

Isinugod sa ospital si Nathan Gbotoe noong nakaraang byernes matapos makitaan ng ilang sintomas ng ebola, nagpositibo ito sa virus sa isinagawang pagsusuri at dinala sa Ebola treatment unit ngunit binawian din ito agad ng buhay.

Nagpositibo din sa virus ang tatay at kapatid na lalaki ni Gbotoe.

Hindi naman matukoy kung saan nakuha ni Gbotoe ang virus.

Ayon sa International Humanitarian Aid Organization na doctors without borders, dinala muna sa ilang health center ang biktima bago ito dinala sa ebola treatment unit, ilan rin sa mga health worker na nag asikaso sa biktima ang posible umanong hindi nagsuot ng protective medical equipment.

Under observation ngayon ang nasa 153 tao na nagkaroon ng ugnayan kay Gbotoe, gayundin ang nasa 25 health workers na kung saan ay 10 sa mga ito nasa high risk condition.

Samantala humingi na rin ng tulong ang bansang Liberia sa Center for Disease Control and Prevention sa US upang magkaroon ng 2 expertong makakatulong na maalaman ang pinanggalingan ng panibagong kaso ng nakakamamatay na sakit.

Ang Liberia ang mayroong pinakamataas na kaso ng Ebola virus kung saan nasa apat na libo walong daan ang nasawi simula ng mag umpisa itong kumalat noong December 2014.

Umabot sa 11,300 ang namatay dahil sa Ebola virus at nasa 28,600 naman ang naifect ng nasabing nito mula sa mga bansang Liberia, Sierra Leone at Nigeria na pawang nasa West Africa Region ng kasagsagan Ebola at karamihan sa mga ito ay nagmula bansang Liberia na umabot sa 4,808 ang namatay.

Tags: , , ,