1 patay, 85 sugatan matapos muling yanigin ng malakas na lindol ang Ecuador

by Radyo La Verdad | May 19, 2016 (Thursday) | 9596

Malakas-na-lindol-sa-Ecuador
Isa na ang naitalang nasawi habang 85 pa ang nasugatan matapos yanigin ng magkasunod na lindol ang Ecuador.

Muling lumindol isang buwan makalipas ang magnitude 7.8 earthquake na ikinasawi ng mahigit sa animnaraan at limampung tao.

Ayon kay Ecuador President Rafael Correa karamihan sa iniulat na nasugatan ay minor injuries lamang ang tinamo.

Ayon sa U.S Geological Survey, may lakas na magnitude 6.7 ang unang lindol na sinundan ng 6.8 na aftershock.

Kinansela na ang pasok sa lahat ng eskwelahan sa bansa upang bigyan daan ang isasagawang survey sa mga nasirang gusali.

Wala namang inilabas na tsunami warning sa Ecuador.

Ayon sa ilan nating kababayang Pilipino na nasa bayan ng Porto Viejo, sa ngayon ay walang kuryente sa kanilang lugar at sarado rin ang mga establisyimento .

Tags: , , , ,