1-month emergency employment, ipagkakaloob sa mga nawalan ng trabaho sa nasunog na NCCC Mall

by Radyo La Verdad | December 29, 2017 (Friday) | 2603

Bibigyan ng Department of Labor and Employment o DOLE ang nasa 2,900 na mga empleyado ng nasunog na NCCC Mall sa Davao City ng isang buwang emergency employment.

Ayon kay Dole Secretary Silvestre Bello III, ang pamahalaan ang maglalaan ng pondo para sa naturang programa.

Una rito ay ipinangako ng pamunuan ng NCCC Mall na ililipat sa iba nilang branch ang 616 regular mall employees na naapektuhan ng sunog.

Samantala, maliban sa tulong ng lokal na pamahalaan at NCCC Mall, makakatanggap rin sa Employees Compensation Commission ng 30,000 pesos burial assistance ang mga pamilya ng 38 nasawi sa trahedya.

Hiwalay pa dito ang 3,700 pesos na monthly survivorship pension na ipagkakaloob sa mga naulilang pamilya.

Tags: , ,