1 kg shabu at mga armas, nasamsam sa Bilibid

by Radyo La Verdad | March 4, 2016 (Friday) | 4733

Nasamsam ng Bureau of Corrections sa kanilang ika-21 pagsalakay sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City ang mahigit isang kilong hinihinalang ‘methamphetamine hydrochloride’ o shabu, mga baril at improvised firearms.

Ang isang kilo ng shabu ay nagkakahalaga ng P5 milyon.

Ayon kay NBP Supt. Richard Schwarzkopf Jr., nakumpiska ng kanilang mga tauhan ang naturang kontrabando sa maximum security compound ng national penitentiary.

Kabilang sa mga nakumpiska ang kalibre 45, 9mm pistol, shotgun at sumpak na nakatago sa kisame ng Building No. 5 kung saan nakatira ang mga miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik Gang.

Tags: , ,

Pamamahala sa Bureau of Corrections, ipinanukala na ibalik sa DOJ    

by Radyo La Verdad | November 28, 2022 (Monday) | 11636

Sa ilalim ng Bureau of Corrections Modernization Law of 2013 ay ginawang autonomous o bukod ang kawanihan. Paliwanag ni dating Department of Justice Secretary at ngayon Solicitor General Menardo Guevarra, dahil dito, supervision na lang ang tungkulin ng DOJ at wala itong kontrol sa BUCOR. Papasok na lang ang DOJ kung lumalagpas na ang BUCOR sa itinatakdang kapangyarihan nito.

Sa panahon ni Guevarra bilang DOJ Secretary, pinasok ni Suspended BUCOR Chief Gerald Bantag ang Joint Venture Agreement kasama ang Agua Tierra Oro Mina Development o ATOM corporation.

Dito nadiskubre kamakailan ang malaki at malalim na hukay sa BUCOR na ayon pa kay Bantag ay para sa isang diving pool.

Ayon kay Guevarra, hindi niya ito alam at inirekomenda niya kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na huwag aprubahan ang kasunduan dahil labag sa batas.

Dagdag pa ni Guevarra, ang mga sheningans o kalokohan sa loob ng BUCOR ay malalim ang pinag-uugatan at instutionalized.

Ang rekomendasyon ni Solgen Guevarra ay magkaroon ng kabuoang pagsasaayos sa BUCOR at dapat ikonsidera aniya ng kongreso na maibailik ang buong kontrol sa BUCOR sa DOJ sa halip na supervision lamang.

Samantala, kabilang naman sa plano ng bagong pamunuan ng BUCOR na mapalaya na ang bilanggo na may edad pitumpu pataas.

Sa isang panayam kay BUCOR OIC Director General PIO Catapang Jr., sinabi nito na ang paggagawad ng Executive Clemency ay para ma-decongest na ang mga piitan sa bansa.

Dante Amento | UNTV News

Tags: , ,

Shabu laboratory, nadiskubre sa exclusive subdivision sa Biñan laguna; Chinese na may-ari nito, arestado

by Radyo La Verdad | June 4, 2020 (Thursday) | 34538

Laguna, Philippines – Naaresto sa buy-bust operation ng PDEA-4A ang isang Chinese national sa isang parking lot sa Barangay Don Jose sa Sta. Rosa Laguna kahapon.

Sa follow up operation sa bahay ng Chinese National sa Laguna Bel Air na isang exclusive subdivision, tumambad sa mga tauhan ng PDEA ang isang kitchen type shabu laboratory.

Nakumpiska mula dito ang mahigit pitong milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu at mga aparato sa paggawa ng iligal na droga.

Ayon sa PDEA isang chemist ang naarestong Chinese national na kinilalang si Samson Tan.

Arestado rin ang dalawang kasama nito na kinilalang sina Ansadin Kamid at Dexter Saliek.

“Isa siyang known chemist na meron na siyang record before nahuli na sa LTD nung panahon ni Col. Yabot sa Binondo, tapos lumipat dito sa Biñan sa Bel-Air, Laguna,” ayon kay Joshua Arquero, PDEA Laguna provincial officer.

Kakasuhan ang mga ito dahil sa sari-saring paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(Mac Cordova)

Tags: ,

Nasa 5,200 inmates namamatay kada taon sa New Bilibid Prison – NBP Hospital Chief

by Erika Endraca | October 4, 2019 (Friday) | 13394

MANILA, Philippines – Tinalakay muli ng Senate Blue Ribbon Committee ang umano’y iregularidad sa Bureau of Corrections (BuCor). Nahalungkat sa pagdinig ang kaso ng mga namamatay na preso sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon sa NBP Hospital Director Ernesto Tamayo, malaki ang bilang ng nasasawing preso kada taon.

Ikinagulat ng ilang senador ang bilang na ito sa gitna na rin ng isyu sa Hospital Pass for Sale kung saan ang mga high profile inmates ay pinepeke ang kanilang mga sakit upang mailipat sa ospital at magawa ang kanilang ilegal na mga transaksyon.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Oscar Albayalde, maging sa mga presong hawak ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay problema rin ang masikip na mga kulungan. Tumestigo naman ang isang bilibid inmate sa Senado at sinabing ang dahilan ng kanilang pagkakasakit ay dahil sa kanilang kinakain.

Inirekomenda naman ni Senator Risa Hontiveros sa komite na tanggalan ng medical license si NBP medical officer na si Doctor Ursicio Cenas dahil sa kinasangkutan nitong isyu sa Hospital Pass for Sale. Naging kwestiyon sa mga Senador kung bakit tinitipid ang pagkain ng mga preso sa NBP.

Noong 2018, mahigit P1-B ang budget sa food subsistence allowance na inilaan para sa mga Person Deprived of Liberty (PDL) o aabot sa P60 kada PDL ang budget sa pagkain ito kada araw. Ngunit sa bidding na nangyari, napababa sa P39 ang halaga ng pagkain.

Ayon kay Angelina Bautista na naging caterer ng Correctional Institutionf For Women ng NBP, nanalo na sila sa bidding noong August 2018 ngunit bigla na lamang silang dinisqualify.

Sa impormasyon ni Bautista, ito ay dahil hindi umano siya nagbigay ng kickback. Samantala, Isang catering service rin ang nagsabing nablacklist noong 2017 at iniakyat nila ang reklamo sa department of justice.

Sinabi ni dating BuCor OIC Rafael Ragos sa pagdinig na P1-M kada buwan ang tinatanggap ng Director ng BuCor mula sa mga catering service. Dumipensa naman si dating BuCor Chief at ngayon ay Senator Ronald Bato Dela Rosa na sa kaniyang panahon ay wala namang nagalok sa kaniya nito ni tumanggap ng anomang suhol.

(Nel Maribojoc | UNTV News)

Tags: ,

More News