1 bangkay, nakuha na sa gumuhong lupa sa Tacloban City

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 4551

Tuloy-tuloy ang ginagawang search and retrieval operations ng City Disaster Office, Philippine National Police, Bureau of Fire Protection at militar sa gumuhong lupa sa bahagi 43-B Congressman Mate Avenue, Tacloban City.

Pasado alas diyes kaninang umaga nang makarecover ng mga ito ang bangkay ng isang babae. Sa pamamagitan ng kapatid nito na nakaligtas sa landslide, nakilala ang biktima na si Zoe Hernandez.

Patuloy namang hinahanap at mga magulang nitong sina Zen Jean Amancio at Alejandro Meolargo. Kwento ng mga rescuer, bagamat tukoy na nila ang kinatitirikan ng bahay ng mag-anak, hirap silang hanap kung saang bahagi naroon ang mga ito.

Samantala, sasagutin na ng pamahalaan ang gastos sa pagpapalibing ng mga biktima sa pagguho ng lupa. Nais ring iparating ng mga local official sa mga nasasakupan nito makinig sa mga anunsyo nang hindi na maulit ang nangyaring insidente.

Samantala, pinapayuhan din ang mga residente na maging alerto at handa lalo’t bigla nalang bumubuhos ang malakas na pag-ulan sa syudad.

Para sa mangangailangan ng tulong makipag-unayan lamang sa mga contact numbers ng Tacloban PNP.

 

( Jenelyn Tacloban / UNTV Correspondent )

Tags: , ,