1.7-M passengers inaasahan sa PITX ngayong holiday

by Radyo La Verdad | March 18, 2024 (Monday) | 1154

METRO MANILA – Inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong darating na holiday and mahigit 1.7 million na mga pasahero.

Ayon kay Jason Salvador ang corporate affairs head ng PITX, magsisimulang dumami ang mga pasahero sa March 22 araw ng Biyernes.

Dagdag pa nito, aniya mas malaking bilang ng mga inaasahang pasahero ang uuwi sa kani-kanilang mga probinsya kaysa noong nakaraang taon na umabot sa 1.2 million.

Bilang paghahanda sa dagsa ng mga pasahero, sinigurado ng PITX authorities na mayroong sapat na mga buses para sa mga commuter.

Samantala, goodnews naman sa mga pet owners dahil pinapayagan ng maibyahe ang mga alagang hayop, hiling lang ng ahensya na magkaroon maayos na lalagyan ang mga ito.


Tags:

Ilang byahe ng bus sa PITX fully booked na bago ang holiday season

by Radyo La Verdad | December 20, 2022 (Tuesday) | 7866

METRO MANILA – Kinumpirma ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na mayroon nang mga byahe ng bus sa terminal ang fully booked na ilang araw bago mag December 25.

Ayon kay Jason Salvador, and Head ng Corporate Affairs ng PITX, karamihan sa mga ito ay ang mga byaheng papunta ng Bicol region.

Muling pinayuhan ng PITX ang mga pasahero na magpa-book ng ticket ng mas maaga upang tiyak na makakasakay ng bus pagdating ng terminal.

Ayon naman sa DOTr, nakapag-isyu na ng nasa 700 special permit ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para madagdagan ang mga bus na bibiyahe ngayong holiday season.

Nauna nang sinabi ng DOTr na nasa 5,000 mga bus ang inaasahang bibiyahe sa PITX ngayong dagsa ang mga pasahero.

Sa pagtaya ng PITX, posible pang umabot sa 175,000 passengers ang dadagsa sa terminal bago ang December 25.

(JP Nunez | UNTV News)

Tags: , , ,

PITX, tiniyak ang sapat na bilang ng mga bibiyaheng bus sa long weekend

by Radyo La Verdad | October 20, 2022 (Thursday) | 10168

METRO MANILA – Inaasahan na ng pamunuan ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na lalo pang pagdagsa ang mga pasahero sa kanilang terminal pagdating ng long weekend.

Upang mapaghandaan ito, nakipagugnayan na sila sa sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno upang tiyakin ang seguridad ng mga byahero at tiyaking may sapat na mga bus silang masasakyan.

Ayon sa Spokesperson ng PITX na si Jason Salvador, nakipagpulong na sila sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tiyaking makakapag-issue ito ng special permit kung sakaling kulangin ang bilang ng mga bus na bibyahe pagdating ng long weekend.

Dagdag pa ni Salvador, magtatalaga din ang LTFRB ng mga tauhan nito sa terminal sa panahon ng long weekend upang agad na makapag-issue ng special permit sa mga pampublikong transportasyon.

Upang matiyak naman ang seguridad ng publiko, nakipagugnayan din ang PITX sa Land Transportation Office (LTO) upang magbantay sa kapasidad ng mga bus at matiyak na nasa tamang kondisyon ang mga driver nito.

Magsasagawa din aniya ang LTO ng random inspection upang masigurong walang impluwensya ng ilegal na droga ang mga driver.

Payo ng pamunuan ng PITX sa mga byahero na uuwi sa mga probinsya na ikonsidera na rin ang pagtaas ng presyo ng pasahe sa mga rutang dati na nilang sinasakyan, ito’y dahil pa rin sa epekto ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa mga pampublikong transportasyon.

Dagdag na paalala ng PITX, maaari nang bumili ng ticket ng mas maaga ang mga biyahero upang hindi sila makipagsiksikan sa inaasahang dagsa ng pasahero sa terminal bago ang long weekend.

At dahil 100% sitting capacity na ang pinapayagan sa mga bus, inaabisuhan ang publiko na sumunod pa rin sa protocol lalo na ang pagsusuot ng face mask upang makaiwas sa hawaan ng COVID-19.

(JP Nuñez | UNTV News)

Tags: , ,

COVID-19 vaccination drive sa mga transport hub, uumpisahan na ng DOTr

by Radyo La Verdad | January 24, 2022 (Monday) | 1694

METRO MANILA – Bubuksan na ngayong araw (January 24) ang Parañaque Integrated Terminal Exchange bilang COVID-19 vaccination site sa loob ng 5 araw.

Prayoridad dito ang mga transport worker at mga pasahero na magpapabakuna ng first o second dose, maging ang mga nais magpaturok ng booster dose.

Hanggang 500 indibidwal walk-in vaccinee ang tatanggapin nito kada araw simula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

Bahagi ito ng vaccination drive ng Department of Transportation (DOTr) na layong maglaan ng ligtas na byahe kasabay ng pagpapatupad ng “No Vaccination, No Ride” Policy.

Ayon kay Acting Presidential Spokesperson Cabinet Secretary Karlo Nograles, makatutulong ito upang mas maging accessible ang vaccination site at mas mahimok ang transport workers at commuters na magpabakuna.

Kinumpirma rin ni DOTr Undersecretary for Administrative Service Attorney Artemio Tuazon Jr na patuloy nilang paiigtingin ang kanilang vaccination drive sa iba pang mga terminal ng mga pampublikong sasakyan.

Nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Toll Regulatory Board (TRB) kaugnay sa paglagay ng vaccination stations sa mga toll road.

Sa huling mensahe na ipinadala sa UNTV News and Rescue ni TRB Spokesperson Julius Corpus, sinabi nito na naipabatid na nila ito sa mga toll operator at hinihintay na lang ang kanilang tugon.

Wala pa ring inilalabas na pahayag ang NLEX Corporation kaugnay sa hiling na ito ng DOTr.

(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)

Tags:

More News