1.4-M MT na bigas, inaasahang madaragdag sa supply ng bansa ngayong buwan

by Radyo La Verdad | September 18, 2023 (Monday) | 449

METRO MANILA – Tinatayang nasa 1.4 Million Metric Tons ng bigas ang madaragdag sa supply ng bansa ngayong buwan. Bunsod ito ng pagsisimula ng panahon ng anihan.

Ayon sa Bureau of Plant Industry, marami rin sa mga magsasaka ang maagang nag-ani upang mapunan ang local demand.

Inaasahang magiging sapat na ito para sa kinakailangan ng bansa hanggang Oktubre.

Gayunman, hindi anila isinasantabi ang posibilidad ng pag-aangkat na maaaring makatulong upang mapatatag ang rice supply.

Tags: