1.1 million registered overseas voters makaboboto gamit ang Automated Election System

by Radyo La Verdad | December 23, 2015 (Wednesday) | 1362

AES
30 lugar lamang sa ibang bansa na pagdarausan ng botohan gagamit ng Automated Election System.

Sakop nito ang mga election post sa North at Latin America, Europe, Asia Pacific at Middle East.

Saklaw ng nasabing mga lugar ang may 1.1 million registered overseas voters.

Mano mano naman ang magiging botohan sa ibang lugar habang postal voting ang sistemang gagamitin sa ilang lugar.

Hindi naman makapagdadaos ng halalan sa tatlong lugar partikular sa Baghdad, Damascus at Tripoli na apektado ang kulang sa apat na libong registered voters.

Samantala tinapos na ng Comelec en Banc ang botohan sa dalawang motion for reconsideration ni Senator Grace Poe kaugnay sa desisyon ng 1st and 2nd Division ng poll body na nag-uutos na kanselahin ang certificate of candidacy ni Poe sa pagkapangulo.

Hindi muna idenitalye ng Comelec ang resulta ng botohan ng 7 miyembro ng en banc.

Unanimous o 3-0 ang naging botohan sa 2nd Division habang majority o 2-1 naman ang sa 1st Division pabor sa pagdiskwalipika kay Poe.

Samantala tuloy naman ngayon myerkules ang initial loading ng list of voters at initial list of candidates sa election management system ng Comelec.

Paliwanag ng poll body maisasama sa listahan ang pangalan ng mga kandidato na may mga nakabinbing reklamo subalit wala pang pinal na desisyon sa lebel ng komisyon.

(Victor Cosare/UNTV News)

Tags: , ,