MANILA, Philippines – Matapos ang siyam na linggong sunod-sunod na pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo, may rollback naman ang ilang kumpanya ng langis.
Unang nagtapyas ang Phoenix Petroleum at Unioil ng ₱0.80 sa presyo kada litro ng gasolina noong Sabado. ₱ 0.60 naman sa diesel ngunit walang paggalaw sa presyo ng kerosene.
Nagpatupad naman ang Petro Gazz ng kaparehong price rollback noong linggo ng umaga.
Epektibo naman ngayong alas-6:00 ng umaga ang bawas-presyo na ₱ 0.80 per liter sa gasolina ng Shell, Petron, Caltex, Eastern Petroleum at Flying V. ₱ 0.65 sa diesel at ₱ 0.20 sa kerosene.
Ayon sa oil industry players, bahagyang bumaba ang halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.