Aabot na sa 329 ang kabuuang tala ng nadapuan ng Zika virus infection sa bansang Singapore.
Patuloy ang ginagawang pagbabantay ng Singapore Ministry of Health at ng National Environment Agency upang maiwasan ang higit pang paglaganap ng Zika virus infection sa bansa.
Batay sa pinakahuling ulat, walong kababaihang buntis na ang kabilang sa nadapuan ang Zika virus sa Singapore.
Patuloy namang pinag-iingat ang mga residente at pinayuhang panatilihing palagi ang kalinisan sa kapaligiran.
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com