Zamboanga City, nanindigang na hindi sasama sa bubuuing Bangsamoro entity

by Radyo La Verdad | May 14, 2015 (Thursday) | 4865

DANTE_BANGSAMORO_HEARING_051515

Muling nagpahayag ng pagtutol ang Zamboanga City Government na mapasama sa isinusulong na Bangsamoro political entity.

Kasabay ito sa isinagawang Senate Committee on Local Government public hearing kaugnay ng Senate Bill number 2408 o ang Bangsamoro Basic Law sa siyudad ngayong araw.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na nagsagawa ng pagdinig tungkol sa proposed sa Zamboanga mula na suspendihin ito dahil sa Mamasapano encounter.

Pinangunahan ang public hearing ni Senador Bongbong Marcos, Chairman ng komite, kasama sina Senador Alan Peter Cayetano, Zamboanga City 1st Congressman Celso Lobregat at ilang lokal na opisyal mula sa ibat-ibang lugar sa Mindanao.

Hindi naman nakarating ang MNLF na una ng nagbigay ng position paper.

Sa pangunguna ni Mayor Beng Climaco, at ang ilang lokal na opisyal, sa harap ng komite nilinaw ng Zamboanga City ang kanilang paninindigan na huwag isama ang kanilang lugar sa proposed BBL.(Dante Amento /UNTV News)

Tags: , , , ,