Muling itinaas ang yellow alert warning ang buong Luzon ngayong araw
Ayon sa Department of Energy manipis ang suplay ng reserbang kuryente sa rehiyon dahil sa mataas na demand at pagbagsak ng ilang power plant.
11,405 megawatts ang available na capacity ngayong araw at nasa 10,428 ang peak demand.
Nakataas ang yellow alert simula kaninang alas dies ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Pinapayuhan ng DOE ang lahat na magtipid sa paggamit ng kuryente.
(Mon Jocson | UNTV News)