Xander Ford, naghain ng reklamong libel laban sa mga nang-bubully sa kanya

by Radyo La Verdad | October 31, 2017 (Tuesday) | 5641

Nagtungo sa tanggapan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang youtube sensation na si Xander Ford upang maghain ng reklamo laban sa mga nang-bubully sa kanya sa social media.

Inireklamo ng libel ni Xander Ford si Dave Alvarez at Angelo Rozol dahil sa paninira nito sa kanya sa internet.

Giit ni Xander, ang video na kumakalat sa social media kaugnay ng kanyang pahayag sa aktres na si Kathyryn Bernardo ay nangyari noong siya ay si Marlou Arizala pa.

Ayon kay Xander, malaki ang naging epekto sa kanya ng ginawang paninira sa internet.

Ayon naman sa PNP-ACG, nakakita sila ng basis upang ipagpatuloy ni Xander ang kanyang reklamo.

Ayon  pa kay Xander, sanay na siya sa pang-bubully subalit kailangan niyang maghain ng reklamo dahil sa naging epekto nito sa kanyang career.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,