World Number 1 Andy Murray, pasok na sa second round ng Dubai Tennis Championships

by Radyo La Verdad | March 1, 2017 (Wednesday) | 676

Andy Murray(REUTERS)

Humakbang na si World Number One Andy Murray sa second round ng Dubai Tennis Championships.

Straight sets ang panalo ni Murray kay Malek Jaziri 6-4,6-1.

Ito ang unang laro ni Murray matapos na di sukat akalaing padapain siya ni Mischa Zverev sa Australian Open noong Enero.

Ito ang unang pagtatangka ng world number one na si Murray na masikwat ang tropeo ng Dubai Championship.

Si Guillermo Garcia-Lopez ang susunod na asignatura ni Murray.

Tags: , ,