World No.1 Badminton Player Lee Chong Wei, hindi makapaglalaro sa All-England Championship dahil sa injury

by Radyo La Verdad | February 9, 2017 (Thursday) | 617

World No.1 Badminton Player Lee Chong Wei(REUTERS)

World Number 1 Badminton Player Lee Chong Wei ng Malaysia, dismayado matapos magkaroon ng knee injury.

Nadulas si Lee habang nagte-training sa bagong academy badminton training center sa Malaysia.

Dahilan ito upang hindi makapaglaro ang 34 yrs. old na atleta sa All-England Championship sa susunod na buwan.

Ito sana ang pang apat na taon na tatangkain ni Lee na makuha ang kampeonato sa torneo.

Ayon pa sa atleta, posibleng senyales na rin ang pagkakaroon ng torn medial collateral ligament ng kaliwang tuhod upang magretiro na siya sa paglalaro.

Dismayado naman and coach ni Lee dahil matagal na nilang pinaghahandaan ang torneo bago ang aksidente.

Tags: ,