World No.1 Andy Murray, pasok na sa quarterfinals ng Qatar Open matapos talunin si Gerald Melzer

by Radyo La Verdad | January 5, 2017 (Thursday) | 518
Andy Murray(REUTERS)

Andy Murray(REUTERS)

Hindi naging madali ang pagpasok ni World Number One Andy Murray sa quarterfinals ng Qatar Open kahapon.

Kinailangan muna ni Murray na dispatsahin ang Austrian na si Gerald Melzer sa dalawang nakakapagod na sets 7-6, 7-5.

Kung nahirapan si Murray sa kanyang laban kay Melzer, kabaliktaran naman kay Defending Champion Novak Djokovic.

Magaan na tinalo ni Djokovic ang Argentinian na si Horacio Zeballos, 6-3 6-4.

Hangad ni Djokovic na tanghaling kampiyon ng Qatar Open upang mabawi ang pagiging world number one kay Murray.

Tags: ,