WISHful mula sa Cavite, kauna-unahang grand finalist ng WISHcovery

by Radyo La Verdad | December 25, 2017 (Monday) | 1651

Sa kauna-unahang pagkakataon, personal na nagkita at napayuhan ng resident reactors ang WISHfuls ng WISHcovery. Sa semi-final round, mismong mga reactor ang namili ng bagay na awit para sa mga kalahok.

Live accompaniment rin ang ginamit at binigyan ng pagkakataon ang mga WISHful na timplahin ang awit kasama ang banda.

Ang unang pares na sumalang ay sina Danielle Joshua Supnet ng Laguna at si Hacel Bartolome ng Cavite.

Wagi sa round na ito si Hacel at siyang kauna-unahang grand finalist ng WISHcovery. Thankful naman si Danielle na naabot niya ang semi-finals.

Ang WISHcovery episodes ay mapapanood sa WISH youtube channel.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,