WISHful mula sa Bulacan, lamang na sa youtube views sa semi-final round ng WISHcovery

by Radyo La Verdad | January 5, 2018 (Friday) | 2360

Dikit ang laban sa power viewing sa pagitan ng dalawang WISHfuls na naglalaban sa semi-final round ng Wishcovery sa linggong ito.

As of 3:30pm kahapon, lamang na sa views si Louie Anne Culala mula sa Bulacan na may 44,460 views.

Hindi naman nalalayo si Diana Tabitha Caro ng Las Piñas na may 43,682 views.

Mayroon pang hanggang mamayang alas dose ng tanghali ang mga WISHer para suportahan ang kanilang mga pambato. Ito ang bubuo ng 15%  ng kanilang score.

Ang semi-final episode ay i-uupload sa WISH 107-5 youtube channel bukas, alas nwebe ng gabi. Dito malalaman kung sino ang ikatlong WISHful na pasok sa grand finals.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,