WISHful Hacel Bartolome, buong-buo na ang loob na sumabak sa WISHcovery grand finals

by Radyo La Verdad | February 6, 2018 (Tuesday) | 2320

Matagumpay na hometown concert at overwhelming support ng mga Caviteño ang natanggap ng WISHful grand finalist na si Hacel Bartolome sa isinagawang mini-concert kagabi sa Bacoor, Cavite na bahagi ng kanyang hometown tour.

Mahigit sa dalawang libong tao ang naki-sing along sa Cavite’s pride sa Bacoor Strike Gymnasium kagabi. Hindi naman inaasahan ni Hacel ang nag-uumapaw na pagmamahal mula sa kanyang mga kababayan. Dahil dito, mas buo ang kanyang loob na lalaban sa nalalapit na grand finals.

Present din sa mini-concert ang mga rising stars at ilang mga hinahangaang artists at bands na tubong Cavite tulad ng Plethora, sina Shantidope at Jireh Lim.

Samantala, bilang bahagi ng two million youtube subscriber-milestone ng WISH 107-5 ay ilang kahilingan ng mga Caviteño ang ipinagkaloob ng Wish Fm.

Kabilang dito ang hiling na wheelchair ni Gervacio Titong para sa kanyang inang may karamdaman. Wish granted din para kay Renan Perez ang makapanood ng live sa upcoming first major solo concert ng idolong si Morissette.

Samantala, susunod namang pupuntahan ng WISHcovery team ang hometown ni Carmela Ariola sa darating na Huwebes.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,