WISHful 8 ng WISHcovery na uusad sa semi-finals, kumpleto na

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 3257

Aabangan na ng mga wisher ang mas kapana-panabik na yugto ng search for the next online singing sensation, ang WISHcovery ng WISH 107.5 fm, ito ay dahil magsisimula na ang semi-finals ng kumpetisyon sa Dececember 23.

Noong Linggo ay nakumpleto na ang walong WISHful na uusad sa kasunod na level ng WISHcovery matapos sumabak ang huling batch ng contestants sa weekly elimination round.

Nananatiling pasok sa susunod na round si Diana Tabitha Caro ng Las Piñas. Napahanga rin ang mga hurado sa performance ni Audrey Malaiba ng Batangas.

Samantala, bukod kina Diana Tabitha at Audrey, pasok din sa WISHful 8 sina Hacel Bartolome, Lyka Boñol, Carmela Ariola, Danielle Joshua Supnet, Louie Anne Culala at Kimberly Baluzo.

Sa next round ng WISHcovery ay may pagkakataon ang mga reactor na i-coach ang mga WISHful. Ang semi-finals ay mapapanood sa first youtube channel ng WISH 107-5.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,