WISHful 5 na maglalaban-laban sa grand finals ng WISHcovery, kumpleto na

by Radyo La Verdad | February 19, 2018 (Monday) | 5535

Sumabak sa intense vocal showdown noong Sabado ang apat na WISHfuls para sa final round ng wildcard edition ng WISHcovery. Ang mga ito ay masusing pinili mula sa labing-anim na returning WISHfuls sa loob ng apat na linggo.

Bigay todo ang biritera ng Laguna na si Jenimay Mabini sa awiting “Iduyan mo”. Madamdamin naman sa kanyang performance ng “Sana’y Wala Nang Wakas” ang rising star ng Cebu, Zekiah Jane Miller.

Hindi rin nagpahuli ang ‘only guy’ sa grupo, ang pambato ng Rizal, John Harvey Magos. Pero ang nag-stand out, ang diva ng Makati City na si Princess Sevillena.

Si Princess ang mapalad na WISHful na kumumpleto sa grand finalists ng WISHcovery. Makakalaban ni Princess sa final battle sa Marso sina Hacel Bartolome, Carmela Ariola, Louie Anne Culala at Kimberly Baluzo.

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,