WISHful 4 ng WISHcovery, kumpleto na

by Radyo La Verdad | January 15, 2018 (Monday) | 1581

Dalawang Bicolana ang nagtagisan ng galing noong nakaraang linggo para sa huling slot ng WISHful 4.

Binigyan ng naiibang tunog ng early favorite mula sa Naga City na si Lyka Boñol ang Gary Valenciano hit na “Paano”.

Standing ovation naman ang reactors sa performance ng teen WISHful ng Camarines Norte Kimberly Baluzo na mula sa kanyang sweet image ay nagpakita ng versatility sa pag-awit ng “Sino ang baliw”.

Pasok sa grand finals si Kimberly na nakakuha ng almost perfect score. Dahil dito, kumpleto na ang WISHful 4 na maglalaban-laban upang maging kauna-unahang winner ng WISHcovery.

Ang mga ito ay sina Hacel Bartolome, Carmela Ariola, Louie Anne Culala at Kimberly.

Samantala, mabibigyan naman ng pagkakataon ang mga natanggal na sa WISHful 20 na makasama pa rin sa grand finals sa pamamagitan ng wildcard edition.

Ang 16 eliminated WISHfuls ay igu-grupo sa apat kung saan bawat set ay maglalaban kada linggo.

Hindi na magkakaroon ng power viewing para dito at ang kanilang score ay manggagaling mismo sa mga reactor ngunit mapapanood pa rin ang kanilang performances sa first youtube account ng WISH 107-5.

Ang apat na magwawagi ay maglalaban naman para sa isang nalalabing slot sa grand finals.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,