Wishcovery grand finalist Princess Sevillena, itinuturing na biyaya ang pagsasagawa ng sariling mini-concert

by Radyo La Verdad | February 27, 2018 (Tuesday) | 5662

Matapos ang hometown tour ng Wishcovery grand finalists sa iba’t ibang probinsya,  nagpakitang-gilas naman kagabi sa kanyang mini-concert ang pambato ng Metro Manila, Princess Sevillena.

Hindi makapaniwala ang rising diva ng Makati na aabot siya sa puntong ito ng kumpetisyon.

Una nang na-eliminate si Princess sa WISHcovery ngunit nabigyang muli nang pagkakataong makapasok sa grand finals sa pamamagitan ng wildcard round.

Buo naman ang tiwala ng mga tagasuporta ni Princess na magagawa nitong manalo sa grand finals dahil sa kanyang mga pinagdaanan.

Kaalinsabay nito, tinupad din muli ng WISH 107.5 ang ilang kahilingan ng mga Wisher bilang pasasalamat sa dalawang milyon nitong YouTube subscribers.

Samantala, matapos ang hometown tour ng Wishful 5 ay maghahanda na ang mga ito para sa grand finals sa susunod na buwan.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

Tags: , ,