WISH Bus sa Hollywood, layong mas maipakilala ang husay ng OPM artists sa mundo

by Radyo La Verdad | January 17, 2018 (Wednesday) | 10305

Gateway to the world kung tagurian ang WISH 107-5. Sa pamamagitan ng mga inobasyon ng WISH FM ay kinilala at hinangaan ng ibang lahi ang talentong Pinoy.

Ang WISHclusive videos ng OPM Artists sa loob ng pambansang WISH Bus ay patuloy na nakakakuha ng worldwide attention sa pamamagitan ng WISH youtube channel.

Sa kasalukuyan ay mayroon na itong halos 2 million subscribers at mahigit 800 million views. At sa layong mas maipakilala ang husay ng mga Pilipino, dadalhin mismo ng WISH FM ang OPM Artists sa ibang bansa.

Sa pamamagitan ng pamosong fm station on wheels, ang WISH Bus. Namangha naman ang OPM Artists sa ideyang ito ni Kuya Daniel Razon.

Ang konsepto ng first fm booth on wheels at state-of-the-art WISH Bus ay hindi lamang hinangaan sa Pilipinas kundi maging ng international artists na nakapag-perform na rito.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,