Wild Card Edition ng WISHcovery, nagsimula na

by Radyo La Verdad | January 22, 2018 (Monday) | 1748

Matapos makumpleto noong nakaraang Linggo ang apat na WISHful na papasok sa grand finals ng biggest at freshest online singing competition sa bansa, ang WISHcovery.

Labing anim na eliminated Wishfuls sa Wild Card Edition ang sasalang sa kumpetisyon. Dito kukunin ang isang contestant na pupuno sa pinahuling slot sa grand finals ng WISHcovery.

Noong Sabado, mas determinadong WISHfuls ang nasaksihan sa unang grupo na sumabak sa Wild Card Edition. Isang emosyonal na performance muli ang ipinakita ni Al Fritz Blanche ng Cavite. Swabe naman ang rendition ng “Yakap sa dilim” ni Chris Noel Bernalde ng Bacolod. Bagong atake naman ang ibinigay ni Louise Anne Manuel ng Rizal sa “Bulag, pipi at bingi”.

Samantala, pinaka-impressive naman si Jenimay Mabini ng Laguna na siyang tinanghal na winner sa batch na ito.

Sa susunod na linggo, maglalaban-laban naman ang ikalawang set ng WISHfuls kung saan ang kabuuan ng kanilang scores ay magmumula pa rin sa resident reactors.

 

( Leslie Longboen / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,