White House daily briefing, binulabog ng bomb threat

by Radyo La Verdad | June 10, 2015 (Wednesday) | 1365

US
Isang bomb threat ang bumulabog sa White House Press briefing mag-aalas dos ng hapon, araw ng Martes sa Washington D.C.

Dahil dito agad na ipinagutos ng US Secret Service ang agarang evacuation ng mga tao sa loob ng bulwagan.

Hindi naman natinag sa pagkakaupo si US President Barack Obama.

Pansamantalang natigil ang pagsasalita ni White House Spokesman Josh Earnest nang pumasok ang canine dogs ng Secret Service upang maginspeksyon.

Matapos ang tatlumpung minutong break ay ipinagpatuloy na ang briefing.

Ayon kay Earnest, tiwala si President Obama sa kakayahan ng Secret Service na protektahan ang buong White House.

Tags: ,