Water service interruption ng Maynilad sa ilang lugar sa NCR, sinuspende

by Radyo La Verdad | July 17, 2023 (Monday) | 7894

METRO MANILA – Pansamantalang sinuspende ng Maynilad ang water service interruption sa mga consumer nito sa ilang lugar sa Metro Manila.

Kabilang na sa ilang bahagi ng Caloocan, Malabon, Maynila, Valenzuela, Navotas at Quezon City.

Kasunod ito ng bahagyang pagtaas ng lebel ng tubig sa Ipo dam dahil sa ulang dala ng bagyong Dodong, sa kabila ng mababang water allocation mula sa Angat dam.

Ayon sa Maynilad maglalabas sila ng abiso kung ibabalik muli ang water service interruption.

Sa kabila nito nanawagan ang Maynilad sa consumers nito na magtipid sa paggamit ng tubig upang mapalawig pa ang supply nito.

Tags: ,