Wastong pangangalaga sa kalusugan, ipinauwa sa mga buntis sa Ticao, Masbate

by Radyo La Verdad | October 18, 2016 (Tuesday) | 4525

gerry1
Mahigit isang daang buntis ang dumalo sa isinagawang aktibidad ng lokal na pamahalaan ng San Jacinto sa isla ng Ticao sa Masbate.

Layunin nito na mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis upang maiwasan ang mga kumplikasyon sa panganganak.

Nagbigay rin ng kaalaman ang Philhealth sa mga nanay kung papaano makakaavail ng mga benepisyo

Kasabay nito ay isang blood donation drive ang isinagawa ng rural health unit ng San Jacinto upang makatulong sa mga nangangailangan ng supply ng dugo.

(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)

Tags: , ,