Kumpyansa si Vice President Leni Robredo na hindi matutulad ang kanyang kapalaran kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Tiwala ang pangalawang pangulo na mananaig ang katotohan na siya ang nanalo noong 2016 national elections at walang nangyaring dayaan.
Sinabi nito na hindi siya magpapaapekto sa mga kumakalat sa social media na siya na ang susunod kay Sereno na mapapatalsik sa pwesto.
Sa ngayon, patuloy ang manual recount of votes nina Robredo at Marcos sa 5,418 precincts sa mga probinsya ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Ngunit ilang beses nang naghain ng mosyon ang kampo ni Robredo na panatilihin ng PET sa recount ang 25 percent threshold tulad ng ipinatupad ng Commission on Elections sa mga binibilang na balota.
Itinuturing ng PET na hindi balido ang 25 percent threshold o mga balotang mayroon lamang ¼ shade.
( Mai Bermudez / UNTV Correspondent )
Tags: balota, CJ Sereno, VP Leni Robredo