VP Leni, ayaw nang patulan ang mga pasaring ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | August 17, 2018 (Friday) | 5638

MANILA, Philippines – Hindi na nagbigay pa ng komento si Vice President Leni Robredo sa mga pasaring ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanya.

Sa halip sa isang pahayag, hinimok ni Robredo ang Pangulo na gawin nalang anila ang kanilang trabaho para masolusyunan ang mga pangunahing problema ng bansa at kalimutan na muna ang pulitika.

Ang ilang kongresista mula sa rehiyon ng Bicol dumepensa naman para sa pangalawang pangulo.

Ayon kay Camarines Sur 3rd District Representative Gabriel Bordado Jr, hindi naging maganda ang epekto ng pahayag ng Pangulo na shabu hotbed ang Naga City.

Hinamon naman ni Ako Bicol Party-list Rep. Rodel Batocabe ang pamahalaan kung talagang hotbed ng shabu ang Naga City, pagtatanggalin sa pwesto ang mga hepe ng PNP, NBI at PDEA sa lungsod.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,