VP Leni nagpasalamat matapos manguna sa online poll para sa susunod na kalihim ng DSWD



by Radyo La Verdad | August 21, 2017 (Monday) | 3854

Nagpaabot ng pasasalamat si Vice President Leni Robredo sa publiko matapos itong manguna sa inilungsad na online poll ni Presidential Communications Office Asec. Mocha Uson.

81-percent ng mga bomoto dito ay pinili si Robredo na nais nilang maging susunod na kalihim ng Department of Social Welfare and Development matapos i-reject ng Commission on Appointments ang dating kahilim na si Judy Taguiwalo.

Nagulat umano ang pangalawang pangulo ng isama siya ni Asec. Uson sa mga pagpipilian sa kabila ng isa ito sa kaniyang mga kritiko.

Ibig sabihin lang daw nito ay may tiwala parin sa kanya ang mga kasamahan ni Pangulong Duterte na hawakan ang isang malaking ahensya.

 

Share and Enjoy !

0Shares
0 0

Tags: , ,