VP Binay tumangging magbigay ng reaksyon ngayon araw ukol sa SONA ni Pangulong Aquino

by Radyo La Verdad | July 27, 2015 (Monday) | 1339

vp binay
Bigo ang mga mamamahayag na makakuha ng sagot mula kay Vice President Jejomar Binay ukol sa SONA ni Pangulong Aquino

Matapos ang SONA ay sinikap na makunan ng ambush interview si Vice President Jejomar Binay.

Ngunit nagmamadali itong makalabas ng Plenary Hall at ng gusali ng kamara.

Bakas sa mukha ng pangalawang pangulo ang sama ng loob.

Kanina nagpasaring ang Pangulo ukol sa mga bumabatikos sa pamahalaan na manhind at palpak at gaganda ang buhay pag sila ang namuno

Di rin binaggit ni Pangulong Aquino ang pangalan ni Binay sa mga pinasasalamatan nito sa kanyang gabinete at mga dating miyembro ng gabinete

Ayon kay VP Binay in due time ay sasagutin niya ang SONA ng Pangulo

Una ng nagsabi si Binay noong nakalipas na linggo na magkakaroon ito ng sariling SONA ukol sa tunay na sitwasyon ng bansa

Tags: