VP Binay, tuloy sa pagdalo sa huling SONA ng Pangulo

by dennis | July 27, 2015 (Monday) | 804
File photo

File photo

Nakatakdang dumalo sa huling State of the Nation Address ni Pangulong Aquino si Vice President Jejomar Binay bilang panauhin ng Kongreso.

Ito ang naging pahayag ni Navotas Rep. Toby Tiango, pangulo ng United Nationalist Alliance (UNA) na kinumpirma naman ni UNA spokesperson Mon Ilagan sa programang Huntahan sa Radyo La Verdad 1350khz.

Ayon kay Tiangco, sa kabila ng pagbatikos ni VP Binay at kanyang mga anak, dadalo pa rin ang mga ito sa huling SONA ng Pangulo para makinig hinggil sa mga nagawa ng administrasyon.

Sinabi naman ni Ilagan na maglalabas rin ng sariling “SONA” si VP Binay sa lalong madaling panahon, depende na rin sa mga pahayag na ilalabas ng Pangulo sa kanyang huling SONA.