VP Binay, naghain ng P200 million law suit laban sa mga nag-aakusa sa kanya

by Radyo La Verdad | July 20, 2015 (Monday) | 1644

VP BINAY
Sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Atty Claro Certeza, naghain ngayong araw si Vice President Jejomar Binay sa Makati Clerk of Court ng P200 million law suit bilang danyos perwisyo laban sa ilang indibidwal dahil sa umano’y perwisyong nagawa ng mga ito sa imahe ng Pangalawang Pangulo.

Defendant sa kaso sina dating Makati Vice Mayor Ernesto S. Mercado, Mario U. Hechanova, Renato L. Bondal at Nicolas Enciso VI.

Kasama rin sina Senators Antonio F. Trillanes, Alan Peter S. Cayetano at Congressman Edgar R. Erice, bilang umano’y designated “talking heads”.

Kabilang din sa defendants ang Philippine Daily Inquirer na umano’y “biased media outlet”.

Kasama rin sina Amando M. Tetangco Jr. na Governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas , Insurance Commissioner Emmanuel F. Dooc ng Department of Finance, Securities and Exchange Commission Chairperson Teresita J. Herbosa, Presidential Management Staff Julia C. Abad at Ombudsman Conchita Carpio-Morales na umano’y designated “government inquisitors”.

Ayon sa kampo ni VP Binay ang P200 million suit ay bunsod ng tinawag nilang well-organized at orchestrated effort ng mga ito upang sirain ang reputasyon ng pangalawang pangulo na ginawa sa pamamagitan ng mga pagdinig na ginagawa ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee.

Ayon naman kay Senador Antonio Trillanes the fourth nakahanda itong harapin ang isinampang kaso at ipagpapatuloy nila ang pagbubunyag sa mga umano’y katiwalian ng pangalawang pangulo.

Sinabi rin nitong nagpa-panic na si Vice President Jejomar Binay kaya sinusubukan nitong takutin ang mga taong umuusig sa kanya. (Bryan de Paz/ UNTV News)

Tags: , , ,