Bumiyahe na papuntang Indonesia si Vice President Jejomar Binay upang dumalo sa bandung conference ng mga Heads of State ng African at Asian countries.
Ayon kay Binay, kabilang rin sa kanyang pakay ang makipagkita kay Pres. Joko Widodo para hilinging huwag nang ituloy ang pagbitay sa pamamagitan ng firing squad sa pilipinang si Mary Jane Veloso bukas.
Si Veloso ay nahatulang mamatay matapos ma-convict sa kasong drug smuggling nang mahuli siya sa airport noong 2010 habang dala ang maletang naglalaman ng dalawang kilong heroin.
Bitbit rin ni VP Binay ang ikatlong sulat ni Pangulong Aquino na humihiling ng clemency para sa filipina drug convict.
Tatlong beses makakaharap ni Binay si Pres. Widodo kaugnay ng conference pero hindi pa tiyak kung magkakaroon sila ng one-on-one meeting.
Tags: Pangulong Aquino, Pres. Joko Widodo, Vice President Jejomar Binay