Ipinasya ng COMELEC En Banc naiklian ang oras ng pagboto sa May 9 elections kumpara ng nakaraang halalan noong 2013.
Magsisimula ang botohan sa ganap na alas siete ng umaga at matatapos ng alas singko ng hapon.
Mas maikli ito kung ikukumpara noong 2013 elections na inabot ng alas siete ng gabi.
Ayon sa COMELEC, nais nitong mahikayat ang mga botante ng bumoto ng maaga.
Gayunpman, nilinaw ng COMELEC na ang mga taong nasa loob ng 30-meter radius ng presinto ay papayagang makaboto kahit dumating na ang five o’clock cut off.
“ Because we were able to bring down the number of voters for each clustered precinct from 1000 to 800. And then syempre as much as possible gusto nating hikayatin ang ating mga botante na bumoto ng maaga.” pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista
“30 minutes before the closing time the BEI chairman or a BEI member will go around announcing that they will be closing in 30 minutes and those who still haven’t voted they will now list the names of all those remaining tapos ang mangyayari pag dating nang 5 yun na yung close na hindi kana pwede mag fill up sa listahan they will announce the names 3 times after announcing your names 3 times di ka nag appear walakana we go to the next list.” Ayon naman kay COMELEC Commissioner, Christian Robert Lim.
(Victor Cosare/UNTV News)
Tags: May 9 elections, Voting hours