Muling magdaraos ng voters registration ang Commission on Elections o COMELEC para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections
Magsisimula ang voters registration sa November 7 at tatagal hanggang April 29, 2017.
Nakasaad ito sa COMELEC Resolution Number 101-66 matapos na ipagpaliban ang barangay at Sangguniang Kalabataan elections na naunang itinakda ngayong Oktubre.
Umaasa ang COMELEC na mag maraming botanteng kabaataan ang magpaprehistro sa itinakdang panahon ng registration para sa halalan sa susunod na taon.
Tags: bubuksan sa Nobyembre, Voter’s registration para sa brgy at SK elections