Vote canvassing sa Palawan, natatagalan dahil sa mahinang signal

by Radyo La Verdad | May 11, 2016 (Wednesday) | 804

ANDY_MABAGAL
Patigil-tigil ang isinasagawang canvassing sa Palawan Provincial Capitol Office dahil sa mabagal at mahinang signal.

Sa dalawampu’t apat na munisipalidad ay nasa labing limang munisipalidad pa lamang ang nakakapagtransmit ng boto mula pa kagabi.

Mga bayan sa Palawan na nakapag transmit na:

• Roxas
• Aborlan
• Bataraza
• Brooks point
• Narra
• Quezon
• Rizal
• San vicente
• Tay-tay
• El nido
• Kalayaan
• Dumaran
• Araceli
• Busuanga
• Magsaysay

Kaninang alas otso ng umaga ay muling sinimulan ang canvassing sa Provincial Capitol Office at inaasahan na hanggang mamayang gabi ay matatapos na transmission ng lahat ng boto sa buong lalawigan ng Palawan.

(Andy Pagayona / UNTV Correspondent)