Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang exemption o paglibre sa value-added tax (VAT) ang mga kababayan nating may kapansanan o persons with disabilities (PWDs).
Kapag tuluyang naging batas, aamyendahan nito ang Section 32 ng Republic Act 7277 o Magna Carta for Disabled Persons na nagtatakda lang na makatanggap ng 20% discount sa lahat ng bilihin at serbisyo ang mga PWD.
Sakop ng panukala ang VAT exemption ng PWDs sa mga gamot, medical and dental services, tiket sa mga sinehan, concert, recreation center at restaurant.
Sa naturang panukala, mabibigyan ng benepisyo ang PWDs na parehas na tinatanggap ng senior citizens na exempted na sa VAT.
Inaabangan na lamang ng Mababang Kapulungan na tumugon ang Senado sa panukala.
Tags: Kongreso, Magna Carta, persons with disabilities, PWD, Senado, VAT