METRO MANILA – Hindi pwedeng patawan ng interest o singilin man ng karagdang bayad o multa sakaling hindi makabayad sa utang ang isang borrower ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nakapaloob anila ito sa Bayanihan to recover as one act o ang Bayanihan 2, kayat naglabas na ng memorandum ang ahensya para sa pagpapatupad ng one-time 60-day grace period sa mga pautang.
“This law is self executory so yung mandatory one-time 60-day grace period ay automatic na kailangan bigay ng mga bsp-supervised financial institutions at saka ng mga ibang lending institutions katulad ng ss, gsis at saka iba pa” ani BSP Gov. Phd. Benjamin Diokno.
Masasakop nito ang salary loans, personal loan, commercial loan, housing loans, motor vehicle loans, amortizations, financial lease payment and premium payments at maging ang mga credit card payments na mayroong due date mula September 15 hanggang December 31, 2020.
Obligado naman ang lahat ng mga bangko, quasi-banks, non-stocks savings and loans associations, credit card issuers, Trust Department Corporations, mga pawnshop at iba pang credit granting entities na ipatupad ito.
(Vincent Arboleda | UNTV News)
Tags: BSP