Usapin ng inflation, hindi nabanggit ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA

by Erika Endraca | July 23, 2019 (Tuesday) | 8822

MANILA, Philippines – Tila may nakaligtaan umano si Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyang-pansin sa kanyang ulat sa bayan kahapon (July 22) ayon sa ilang sektor ng lipunan.

Ilan lamang sa mga matyagang naghintay at tumutok  sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga tindera sa palengkeng sa Novaliches, Quezon City.

Ang pangunahing nais nilang marinig  ang plano ng pangulo sa pagpapababa ng presyo ng mga bilihin.

Ngunit matapos ang mahigit isang oras na pagsasalita ng Pangulo, tila wala silang narinig ukol doon  na kanilang ikinalungkot.

“We’re sad because our call to ease the rising prices of basic commodities were not mentioned by the President in his speech. We’re hoping that in the remaining years of President Duterte in service, he will be able to do something to tame the rising prices of basic commodities,” ani Bryan Market Vendors Spokesperson, Marissa Pabalan.

Samantala, nabanggit naman ng Pangulo ang tungkol sa Rice Tariffication Law na layong pababain ang presyo ng bigas sa merkado.

Sa katunayan, iyon ang nakitang dahilan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa isa sa mga pinakadahilan ng pagbaba ng headline inflation rate sa second quarter ng taon.

Tinawag naman ni Pangulong Duterte ang Kongreso upang ipasa na ang natitirang Comprehensive Tax Reform packages ng pamahalaan.

(Harlene Delgado | Untv News)

Tags: , ,