US Pres. Barack Obama, pinangunahan ang dayalogo ukol sa climate change

by Radyo La Verdad | November 19, 2015 (Thursday) | 4080

JERICO_OBAMA
Bilang bahagi ng CEO Summit ng Asia Pacific Economic Cooperation o APEC, pinangunahan ni United States Pres. Barack Obama ang dayalago ngayon myerkules ukol sa banta ng climate change.

Kasama ni Pres. Obama ang Co-founder ng Sustainable Alternative Lighting o SALT na si Aisa Mejino.

Ibinahagi ni Mejino ang naiimabag ng kanilang kumpanya sa paglagban sa epekto ng climate change.

Sina Mejino ang nakaimbento ng lampara na ang nagpapagana ay salt water ntumatagal ng walong oras.

Bukod sa pagbibigay ng liwanag, mayroon rin itong usb slot para mapag-charge ng cellphones at iba pang gadget.

Sa halagang 20 dollars ng isang lampara,malaki ang naitutulong nito sa pagkakaroon ng malinis na kapaligiran.

Ngunit ayon kay Mejino, bagaman maganda ang hangarin ng kanilang kumpanya, nanatiling hamon sa kanilaang pondo para sa mass produksiyon ng lampara.

Ayon kay Pres. Barack Obama, kinakailangan ng mundo ng ganitong mga proyekto at inisyatiba.

“This starts form the bottom up. Whether it’s in the Philippines or anywhere in the world, people who are tying to improve their lives that they can’t be asked to stay poor in order to solve their problems, they need electricity, transportation, those that exist in developing countries. But if we work in grass roots level, see what the folks need, and improve their lives while being environmental sustainable.” pahayag ni United States Pres. Barack Obama

Ayon naman sa Founder at Chairperson ng Alibaba Group na si Jack Ma, malaki rin ang naiaambag ng e-commerce para sa mga bago o nagsisimula pa lamang na mga kumpanya katulad ng kay Mejino.

Ang Alibaba ay isang Chinese e-commerce company na siyang nagbibigay ng online sales platform para sa mga negosyo.

Ayon kay US Pres. Barrack Obama, hindi na maaaring maikala ang epekto ng lumalalang climate change. Kaya naman, inirerekomda din nito at ng ibang world leadres na mag-invest na ang mga bansa sa sustainable at renewable sources of energy. (Joyce Balancio/UNTV News)

Tags: , ,