UNTV Fire Brigade, tumulong sa pag-apula ng sunog sa Novaliches, Quezon City

by Radyo La Verdad | January 1, 2017 (Sunday) | 3856

reynante_sunog
Kasama ang UNTV Fire Brigade na rumesponde sa naganap na sunog sa Novaliches sa Quezon City alas nuwebe y medya kagabi.

Paglabas mula sa deployment area ng UNTV News and Rescue, isang sunog kaagad ang sumiklab sa Pamana Street, Brgy. Sta. Lucia Quezon City na umabot sa ikatlong alarma ang sunog.

Agad naman pumunta ang fire truck ng UNTV kasama ang mga firetrucks ng Bureau of Fire Protection o BFP Quezon.

Sa inisyal na ulat ng BFP, 25 pamilya ang nawalan ng tirahan at 15 bahay ang tinupok ng apoy, dalawa naman ang nagtamo ng minor injuries at wala namang nasawi sa nasabing trahedya.

Inaalam pa sa ngayon kung ano ang naging sanhi ng sunog kung ito ba ay posibleng electrical faulty wiring o na-overload.

Sa ngayon ay pansamantalang nanatili ang mga kababayan natin na naapektuhan ng sunog sa Basketball Court ng Barangay at ang iba ay tumutuloy sa kanilang kaanak.

Naapula naman ang apoy bandang 10:38 kanina at tinatayang 200 libong piso ang natupok na mga ari-arian.

(Reynante Ponte / UNTV Correspondent)

Tags: , ,