UNICEF, tutol sa panukalang ibaba sa 12 anyos ang age of criminal liability

by Radyo La Verdad | October 10, 2018 (Wednesday) | 6843

Naniniwala ang United Nations Children’s Fund (UNICEF) na hindi pa dapat panagutin sa batas ang mga bata na may edad 12 anyos gaya ng panukala ni Senator Vicente Sotto III.

Ayon sa kinatawan ng UNICEF sa bansa na si Lotta Sylwander, dapat mabigyan sila dahil wala pa umanong kamalayan ang mga ito sa paggawa ng krimen.

Paliwanag pa nito, hindi makabubuti ang panukalang batas sa repormasyon ng mga bata dahil magiging brand na ng mga ito ang salitang kriminal habambuhay.

Aniya, napatunayan na sa mga pag-aaral na ang reformative justice system ay nakapagpapababa sa posibilidad ng bata na manumbalik sa maling gawain at makabalik ang mga ito sa pamilya at pag-aaral.

Hindi rin pinaburan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing panukala sa kabila ng ‘di umanoy pagdami ng krimen na sangkot ang mga kabataan.

Paliwanag ni DSWD Asec. Glenda Relova, susuportahan lamang ng ahensiya ang panukala kung sakaling may scientific observation at researches na pagbabatayan ukol dito.

Sa kasalukuyan, nasa kinse anyos ang age of criminal liability batay sa Juvenile Justice Welfare Act of 2006.

 

( Cathy Maglalang / UNTV Correspondent )

Tags: , ,