Nanawagan ang Office of the Civil Defense (OCD) sa mga kaanak ng mga nasawi at nasagutan sa pananalasa ng Bagyong Yolanda na hindi pa nakakakuha ng tseke bilang tulong sa kanila ng pamahalaan na kunin na ito sa kanilang tanggapan.
2014 ng mag-umpisang tumanggap ng applications ang OCD para sa mga namatay at injured. Sampung libong piso ang matatanggap na tulong pinansyal ng mga namatayan habang limang libong piso naman sa mga sugatan.
Mula 2014 hanggang 2017 ay nakapamahagi na ang OCD ng tseke na nagkakahalaga ng 90,695 piso sa 13,432 claimants.
Ayon sa OCD, mayroon pang 127 na tseke na nagkakahalaga ng 770 libong piso ang hindi pa nakukuha.
Ayon kay Rayden Cabrigas, information officer ng OCD- Region 8, maaari silang makontak sa 0917-589 8044 o di kaya sa 523-1112 para sa mga requirements na dadalhin ng mga sa pag-claim ng tseke.
Tags: Office of the Civil Defense, unclaimed cheques, Yolanda claims