Unang set ng bagong tren ng MRT, kumpleto na

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 1915

mon_mrt
Nakumpleto na ang isang bagong set na tren ng MRT3 na maaari ng magamit ng publiko bago mag Abril.

Sa ngayon ay patuloy ang isinasagawang 5000km test run sa isang bagon tuwing gabi pagkatapos ng revenue hours ng MRT.

Target ng DOTC na matapos ang test run sa kalagitnaan ng Marso, kasabay nito ay papalitan din ang ilang bahagi ng riles ng MRT upang maayos na makatakbo ang bagong tren.

Sa kabuoan ay labing anim na bagong tren na binubuo ng tatlong bagon ang inaasahan darating hanggang sa January 2017.

Kapag nakumpleto na ito ay aabot ng 800 thousand na tao araw araw ang magiging pasahero nito kumpara sa kasalukuyang bilang na 400 thousand na pasahero.

(Macky Libradilla / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,