Unang panalo ng Pilipinas ngayong taon sa beauty pageants, nakuha ni Miss Earth 2017 Karen Ibasco

by Radyo La Verdad | November 6, 2017 (Monday) | 1680

Nakuha ng pambato ng Pilipinas sa Miss Earth 2017 na si Karen Ibasco ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas ngayong taon sa mga beauty competition. Isinagawa ang coronation night sa SM Mall of Asia Arena noong Sabado ng gabi.

Si Ibasco ay isang medical physicist na ikinakampanya ang kaniyang adbokasiya na conservation energy at pagsuporta sa sustainable energy.

Isang tanong lamang ang ibinigay sa final 5: Who or what is the biggest enemy of Mother Earth and why?

Pinahanga ni Ibasco ang mga hurado sa kanyang sagot na: “I believe that the real problem in this world is not climate change. The real problem is us because of our ignorance and apathy. What we have to do is to start changing our ways, to start recalibrating our minds and redirecting our steps because together, as a global community, our micro-efforts will have a macro-effect to help save our home, our planet.”

2015 nang huling maiuwi ng Pilipinas ang korona sa Miss Earth sa pamamagitan ni Angelia Ong.

 

Tags: ,