Unang panalo ng DOJ Justice Boosters sa UNTV Cup 6, naitala kasabay ng 120th DOJ Founding Anniv

by Radyo La Verdad | October 2, 2017 (Monday) | 3230

Double celebration para sa DOJ Justice Boosters ang kanilang unang panalo ngayong season sa liga ng mga Public Servant.

Tinalo ng boosters ang Department of Agriculture Foodmasters sa intense ball game noong Miyerkules sa score na 86 – 82 na ginanap sa Pasig City Sports Center.

Sa first quarter, nagpakawala ang reinforcement player ng Food Masters na si Jimwell  “Tora-Tora” Torion ng four out of four attempts sa three point area upang pangunahan ang DA sa score na 23 – 16.

Kaagad nag-adjust ng diskarte ang DOJ at matagumpay na napigilan ang DA playmaker na si Jimwell na walang nagawang puntos sa second quarter kaya naagaw na ng DOJ ang abante , 40 – 43.

Nagpatuloy ang mainit na palitan ng puntos ng dalawang koponan sa third qurter , 65 – 62  pabor sa DOJ.

Hanggang sa nagtapos ang oras at tinalo ng mas pinalakas na DOJ team ang Rookie team DA Food Masters.

Labis naman tuwa ng DOJ team kasama ang kanilang executives na sumabak rin sa hardcourt lalo na’t nataon ang kanilang unang panalo sa ika – 120th Founding Anniversary ng Justice Department.

Nanguna sa DOJ si Eric Mabazza na may 27 points habang may tig 11 points naman si Paul Gerard Reguera at Justine Arvie Lopez.

Habang may 23 points naman si Jimwell Torion at Combined 32 points si Marvin Martinez at Christian Dematera ng DA. Pursigido naman ang Food Masters na makawai sa susunod nilang laban.

Samantala, una rito ay tinalo ng NHA Builders ang Rookie team PDEA Drug Busters sa score na 111- 88 at nakuha naman ng defending champion PNP Responders ang kanilang ikalawang sunod na panalo kontra DOH Health Achievers sa score na 98 – 91.

 

( Bernard Dadis / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

 

 

 

 

Tags: , ,